Nagsalita na ang TV host na si Willie Revillame upang linawin ang tsismis na nabuntis niya ang co-host na si Herlene “Hipon Girl” Budol.

Sa nagdaang episode ng “Wowowin-Tutok To Win,” iginiit ng 60-year-old actor-singer na “fake news” ang balitang ito.

“Natsitsismis ho nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi ho totoo ‘yan. Puro fake news ang ginagawa niyo,” pahayag ni Willie.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

“Pati kay Kris Aquino. Mahiya naman kayo. Huwag kayong maniniwala dyan. Pati mga taong nanahimik!”

Umikot ang tsimis makaraang ilang linggo nang hindi napapanood sa show ang 24-anyos na host.

Saad pa ni Willie, “Kaya daw nawala si Hipon nabuntis ko. Ano magiging anak namin…hipon?”

Inihayag din ng Wowowin host na dudulog sila sa National Bureau of Investigation upang hanapin ang nasa likod ng pagpapakalat ng tsismis.

https://youtu.be/qZj1e0ISnUc