Nagrereklamo ang mga residente ng Cabanatuan City sa Nueva Ecija nang makaranas sila ng lagpas dalawang oras na brownout nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa mga residente, walang inilabas na abiso ang tanggapan ng Cabanatuan Electric Corporation (Celcor) sa Maharlika Highway, Brgy. Bitas ng naturang lungsod, para sa mararanasang power interruption.

Naranasan ang pagkawala ng supply ng kuryente bago pa mag-4:00 ng hapon at naibalik din ito na dakong 6:00 ng gabi.

Apela ng mga ito kay Celcor President/Chief Executive Officer (CEO) at Nueva Ecija 3rd District Rep. Rosanna "Ria" Vergara, ayusin na lamang ang kanilang serbisyo para na rin sa kapakanan ng libu-libo nilang consumers.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Light Nolasco