Binisita ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Joselito Bautista ang mga evacuee sa Batangas na apektado ng pag-aalburoto ng Taal Volcano, nitong Biyernes.

Ito ang kinumpirma ng DSWD Region IV-A sa kanilang Facebook post at sinabing tinitiyak lamang ni Bautista na nasa maayos ang sitwasyon ng mga lumikas na pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center sa Laurel at Agoncillo.

Tiniyak din ng kalihim na makikipagtulungan sila sa mga local government unit at iba pang ahensyang gobyerno upang matugunan kaagad ang mga pangangailangan ng 317 na pamilya na nasa 11 na evacuation center sa Batangas.

Charissa Luci-Atienza

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar