Binuweltahan ni Senator Bong Go si dating Senador Antonio Trillanes IV kaugnay ng alegasyon nito na sangkot umano ito sa korapsyon, kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.
Depensa ng senador, "gawa-gawa" lamang ang paratang sa kanya ni Trillanes na nauna nang nagsabing isasapubliko nito sa susunod na linggo ang kanyang nalalaman sa umano'y pagkakadawit nina Go at Duterte sa umano'y iregularidad.
“Kung puro patutsada at paninira lang, sayang lang po oras natin sa mga imbentong kwento niTrillanes.At kung may alam talaga siya,bakit ponext weekpa,” pahayag ng senador.
Sa kanyang Twitter post nitong Huwebes, pinuna ni Trillanes ang Pangulo dahil sa hirit nito sa mga government agency na inaakusahan ng korapsyon na makipagtulungan sa posibleng imbestigasyong pangungunahan ni Senagtor Manny Pacquiao.
PNA