Isang Batangueño ang buena manong naging instant milyonaryo ngayong buwan matapos na magwagi ng ₱84-milyong jackpot sa Super Lotto 6/49 draw nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 1.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma, nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 10-20-32-40-08-11 kaya't napanalunan niya ang jackpot prize na P84,057,406.
Idinagdag pa ni Garma, ang lucky ticket ay nabili sa Nasugbu, Batangas.
Mary Ann Santiago