Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na nakapagtala sila ng 68 katao na dinapuan pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kahit fully vaccinated na sila o nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna.
Sa ulat ng Adverse Effect unit ng bakuna, sinabi ni Domingo na sa naturang bilang 60 indibidwal ang nabakunahan ng Sinovac, anim ang nabakunahan ng AstraZeneca, at tig-isa naman ang nabakunahan ng Sputnik V at Pfizer vaccines.
Sa 60 katao aniyang nabakunahan ng Sinovac, nasa 27 ang dinapuan ng COVID-19 wala pang 14-araw matapos nilang makuha ang ikalawang dose ng Sinovac habang ang 33 iba pa ay nagkasakit matapos ang dalawang linggo nang matanggap nila ang bakuna.
Paglilinaw naman ni Domingo, ang lahat ng ito ay pawang mild cases lamang.
“These are all mild cases and the infection was drastically reduced [compared with those who got COVID-19 after getting first dose],” ayon kay Domingo.
Mary Ann Santiago