Binanggit palang ni Marian Rivera na maglalabas ang kanyang Floravida by Marian ng clothing line, marami na ang gustong mag-order. Minamadali na rin si Marian na i-launch na ang kanyang clothing line dahil gusto nang makita ng kanyang supporters ang collection na ilalabas ni Marian at ng kanyang team.

Kahit nga sa isang post nito sa Instagram, sinabi pa lang nito na “Decisions, decisions... Selecting fabrics for @floravidabymarian clothing,” gusto na agad makita ang finished products. Kaya ‘yung post ni Marian na suot ang long-sleeved whitetops na kita ang kanyang tiyan, marami na agad ang gustong mag-order.

Marian

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Unang ni-launch ni Marian ang FloraVida by Marian preserved flower collection na kahit mahal, nagso-sold out. Sinundan ‘yun ng FloraVidaHome na nagso-sold out din pati furnitures. Ang feeling namin, hinahabol lang ng ibang buyers ang tatak “MGD”

na initial ng pangalan ni Marian.

Succesful din ang kitchen stuff na kasama sa FloravidaHome at ngayon, ilu-launch naman ni Marian ang FloraVida by Marian clothing line.”

Sa fans ni Marian, hindi pa rin nito nakalilimutan ang pangakong babalik siya sa showbis kapag normal na ang takbo ng buhay o kapag puwede na siyang mag-taping sa labas ng kanilang bahay. Sitcom nila ni Dingdong Dante sang gusto nitong gawin na matagal nang nire-request ng DongYan fans. Abang-abang lang!

Nitz Miralles