Bubuhayin muli ng gobyerno ang mga resident Ombudsman sa mga ahensya ng pamahalaan, partikular na sa mga corruption-prone agencies, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Paliwanag ni DOJ Secretary Menardo Guevarra nitong Miyerkules, pinaplantsa na nila ang memorandum of agreement (MOA) saCommission on Audit (COA) at sa Office of the Ombudsman (OMB) kaugnay ng usapin.
“DOJ prosecutors and COA auditors will be deputized by the OMB to act as watchdogs in corruption-prone government agencies.We expect to sign the MOA with the OMB and the COA in July,” sabi pa nito.
Matatandaang ibinunyag ni Senator Manny Pacquiao na nagkaroon ng korapsyon sa Department of Health kaugnay ng implementasyon nito sa mga programang may kaugnayan sa paglaban ng pamahalaan sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Jeffrey Damicog