Aabot sa ₱10 milyong halaga ng pulang sibuyas na nakatago sa kargamento ng ice cream na nanggaling sa China ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Maynila, kamakailan.
Sa report ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng BOC, ang dalawang kargamento ay nasamsam nitong Hunyo 28.
Nabisto ang kargamento dahil idineklara ito bilang 204 kahon ng chocolate crispy vanilla at milk-coated na tsokolate, gayunman, nalantad sa mga tauhan ng BOC at MICP na pawang sibuyas ang laman nito.
Idi-deliver sana ang mga kargamento sa E. Austero Merchandising nang maharang ito.
PNA