Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagturok na ang Pilipinas ng mahigit sa 10 milyong doses ng COVID-19 vaccines sa mamamayan nito.

Ito’y halos apat na buwan simula nang umpisahan ng pamahalaan ang vaccination program noong Marso.

Sa datos na inilabas ng DOH nitong Lunes, nabatid na hanggang nitong Hunyo 27, ay umaabot na sa kabuuang 10,065,414 doses ng bakuna ang ginamit na sa mamamayan.

Sa naturang bilang, 7,538,128 ang first doses habang 2,527,286 naman ang second doses o fully vaccinated na.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Mary Ann Santiago