Nakakatuwa ang sagot ni Dina Bonnevie sa tanong sa kanya sa mediacon ng “The World Between Us” ng kanyang experience na maka-eksena si Alden Richards dahil first project nila ito na magkasama.

“This is my first project with Alden and for me, working with Alden is something refreshing. Nakakatuwa doing scene with him, you can’t help but stare sa kanyang dimple. He’s so professional and he’s not afraid to explore,” sagot ni Dina.

Dina

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nabanggit na rin ni Dina na ni-request niyang makatrabaho si Alden dahil nagagalingan siya rito at na-impress sa ugali ng aktor.

“Una ko siyang nakita sa hallway ng GMA, nagpakilala sa akin, ang galang niya at binigyan pa ako ng upuan at ang guwapo niya. Nagtanong ako kung sino ang nagbigay ng upuan sa akin at sinabi ang pangalan. Ni-research ko siya at pinanood ko ang works niya at na-impress ako. Sabi ko, “okay ang taong ito. Kaya mula noon, fan na niya ako. Magaling na siyang aktor, businessman pa,” pahayag ni Dina.

Naikuwento na rin ni Dina na nagulat siya nang pumunta sa noo’y bukas pang Concha’s Garden Cafe para kumain at nagulat nang makita ang standee ni Alden sa pintuan ng restaurant. Lalo siyang humanga nang malamang pagmamay-ari ni Alden ang restaurant.

Alden

Sa July 5, pagkatapos ng 24 Oras  ang world premiere ng The World Between Us  na tagisan ng mahuhusay na mga aktor dahil bukod kina Dina at Alden, kasama rin sina Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, Sid Lucero, at Jaclyn Jose. Si Dominic Zapata ang director nito na nilinaw na inspired ng novel na Wuthering Heights ang story ng teleserye at hindi ng Taiwanese series with the same title.            

Nitz Miralles