TARLAC CITY - Patay ang isang retiradong sundalo at isang rider sa isang vehicular accident sa Barangay San Miguel ng nasabing lungsod nitong Sabado ng umaga.Â
Dead on arrival sa Tarlac Provincial Hospita sina Eddie Cocal, 60, may-asawa, taga-naturang lugar, at Jovellamin Galema, taga-Phase 2, Ilang-Ilang St., Niùas Village, Brgy. Suizo, Tarlac City.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, tumatawid si Cocal sa Zone C nang biglang mabangga ng motorsiklo na minamaneho ni Galema na nagtangkang mag-overtake sa isang sasakyan, dakong 7:00 ng umaga.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon si Galema na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang kaso.
Leandro Alborote