Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang pagkabigla sa pagpanaw ng isa sa itinuring niyang kaibigan, si former President Benigno "Noynoy" Aquino nitong nakaraang Hunyo 24 sa edad na 61.

Sa IG story sinabi ni Pia na, “It’s really sad to hear the passing of former President Noynoy Aquino.”

Pinasalamatan din niya ang dating pangulo para sa pagkakaibigan at suporta nito sa kanyang pagsabak noon sa Miss Universe.

“I will always be thankful for his friendship and support in my journey as Miss Universe,” ani Pia.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screencap mula sa IG

Matatandaang sa isang panayam noong 2015 ni Boy Abunda sa kanyang programa, ibinahagi ni Pia ang ilang kwento sa kanilang pagkakaibigan ng dating pangulo.

Ayon sa actress-beauty queen, bago pa siya sumabak sa Miss Universe pageant noong 2015 ay nauna nang magpadala ng congratulatory flowers si Noynoy sa kanya.

Nabanggit din niya Pia na mataas ang respeto nila sa isa’t isa na itinuturing niyang kaibigan.

“Ang pagkaka-kilala kasi niya sa akin is I don’t really reveal much about him. And I respect him in that way. And whatever I know about him, or whatever he knows about me is ‘yun na. But with regards to that, I really appreciate it. It was a sweet gesture.

Dagdag pa ni Pia sa kanyang tribute post:

 “My heartfelt condolences to his family and loved ones in this time of grief.”

Ador V. Saluta