ILOILO CITY – Aabot sa 17 Chinese worker ng isang coal-fired power plant sa Concepcion, Iloilo ang tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ni Mayor Raul Banias at sinabing ang nasabing bilang ng Chinese ay kabilang sa 18 na manggagawang nahawaan ng virus.

Ang mga ito aniya ay trabahador ng 135-megawatt (135-MW) coal-fired power plant na pag-aari ng Palm Concepcion Power Corporation (PCPC).

Matatandaang humingi ng tulong ang medical unit ng nasabing planta sa COVID-19 team ng Concepcion nang magkaroon ng sintomas ng sakit ang isa nilang empleyado nitong Hunyo 23.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Ito ang dahilan kaya isinailalim sa swab testing ang mga manggagawa ng power plant hanggang sa matuklasang nagpositibo sa virus ang 17 na Chinese at isang Pinoy.

Kaugnay nito, nakikipag-usap na si Banias sa pamunuan ng PCPC upang mai-isolate ang mga trabahador na nahawaan ng sakit sa mismong dormitory building nito dahil puno na rin ang isolation facility ng lokal na pamahalaan.

Tara Yap