Nagkasundo ang mga opisyal ng gobyeno at lider ng pribadong sektor na dapat nang amyendahan ang 1987 Constitution upang mapaluwag ang restrictive economic provisions at magbigay-daan sa mas maraming pamumuhunan o investments, lalo na sa industriya ng telekomunikasyon.
Ipinaalam ng mga opisyal at lider ang kanilang pagpabor sa Charter Change (Cha-Cha) sa ginanap na pulong kamakailan na may temang “Opening up the Economy: Better Telecommunications for the New Normal”, ang ika-4 na serye para sa ekonomiya na inorganisa ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ni House Deputy Majority Leader at Committee on Constitutional Amendments Vice Chairman Rep. Lorez Defensor (3rd District, Iloilo), ang pagpapaluwag sa mga restriksiyon ay magpapabuti sa paglalagay ng higit na puhunan sa telecommunications sector.
“If you realize now, we’re using Zoom, we’re using Viber. These are technologies coming from foreign entities and we’re using them. Why not open the telecommunications sector and lift the ownership restrictions to improve competition and improve service, that’s a given,” ani Defensor.
Binanggit niya ang Singapore na nagbukas ng 100 percent sa telecommunications at nagpabalik sa tiwala ng publiko sa kanilang national security sa pamamagitan ng pagre-regulate sa mga dayuhang kompanya na sangkot sa telecommunications sector.
Bert de Guzman