Sinabi ng Department of Health (DOH) ang target ng bansa para makamit ang herd immunity laban sa COVID-19 ay sa pagtatapos ng 2021 o simula ng susunod na taon.

Gayunpaman, ang layuning ito ay nakadepende pa rin sa supply ng bakuna ng bansa.

Para makamit ang layuning ito, kailangan ng Pilipinas na makapagbakuna ng 500,000 katao kada araw. Sa ngayon, nakamit na ng bansa ang pagbabakuna ng 350,000 na tao araw-araw, ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III sa ABS CBN Teleradyo nitong Biyernes, Hunyo 25.

Nilalayon ng national government na mabakunahan ang 70 porsyento ng populasyon ng bansa sa pagtatapos ng 2021.

Eleksyon

Kiko Matos, sinunog mga 'ignoranteng' inokray si Atty. Kiko sa paglantak ng buro't mustasa

Kung ang bansa ay maka pagbabakuna ng 500,000 katao araw-araw, aabutin ng halos 140 na araw upang maibigay ang first dose sa 70 milyon na Pilipino, ayon kay Duque.

Sinabi ng Health Chief, ang pagitan ng dalawang dose ng mga bakuna sa COVID-19 ay 28 na araw hanggang 12 linggo.

“So more or less matatapos mo mga November to December. At the most, pwedeng umabot ng January (So more or less you will finish this by November to December. At the most, it can be until January). Again all of these depend on adequacy of the supply,” ayon kay Duque