Binanatan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Senate President Vicente Sotto III kaugnay ng usapin nang paggamit ng face shield sa pampublikong lugar sa bansa.

Makinig na lang ho kayo sa mga doktor natin. Kung ano ang sabihin ng IATF (Inter-Agency Task Force), makinig ho kayo diyan kasi ‘yung mga sources diyan, mga doktor, mga scientist, OCTA Research. Lahat po iyan kinu-konsulta. At saka hindi sila nagbibigay ng desisyon na labag sa kanila,”pahayag ni Panelo nang sumalang sa kanyang programa sa telebisyon na “Counterpoint” nitong Sabado.

Inilabas ni Panelo ang pahayag nang punahin ni Sotto ang huling direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na pairalin pa rin ang polisiya ng IATF for the Management of Emerging Infectious Diseases na magsuot pa rin ng face shield at face mask sa labas ng bahay o sa pampublikong lugar upang dahil sa banta ng mas nakahahawang Delta COVID-19 variant.

Matatandaang sinalungat ni Sotto ang nasabing kautusan ni Duterte nang maghain ito ng Senate Resolution 757 na nag-aatas sa Senate Committee of the Whole na imbestigahan, in aid of legislation, ang bisa nang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Idinagdag pa ni Sotto na sa buong mundo, tanging Pilipinas lamang ang bansa na nag-oobliga sa mamamayan na magsuot ng face shield at face mask upang maprotektahan ang kanilang sarili laban sa COVID-19.

PNA