Isang tribute post ang ibinahagi ni Barbara Milano, ang dating kasintahan ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, sa pagpanaw nito.

Nitong Huwebes, ikinagulat ng lahat ang pagpanaw ng dating Pangulo sa sakit na renal disease secondary to diabetes.

Sa Facebook post ni Barbara, inalala nito pagiging simple, at low-key ni PNoy sa kabila na nagmula sa kilalang pamilya.

Mapapansin din na malalim ang pagkakakilala ni Barbara sa dating pangulo, sa detalye ng tribute post nito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“RIP Noy, Former president ,

Maraming Salamat sayo, sa binigay mo noon tulong at respeto .

Sinu ba naman ako noon? hindi naman tayo magka estado sa buhay.?

Sinu ba naman ako noon na napaka ordinary ko tao ?

Sinu ba naman ako noon ? hindi naman ako mayaman?

Ikaw ang tao nakilala ko na napaka low- profile mo talaga.

Ikaw yung tao nakilala ko na napakasimple tao .

Ikaw para ka hindi ka anak ng dati presidente.

Ikaw na kapag aalis ka isa lang bodyguard mo na minsan ikaw pa driver.

Ikaw na kahit dis oras ng gabi , magpadala ka ng pagkain sa tomas morato sa house ko,

Ikaw yung inuumaga about politics ang usapan natin.

Ikaw yung tao na iniisip ang mga constituents keysa sarili mo.

Minsan sinita kita sa suot mo, diba suot mo nung isang araw yan? sabi mo favorite mo suotin polo lacoste na yun.napakasimple mo talaga !

Maraming Salamat sayo.”

Taong 2000 nang mapabalita ang relasyon ni Barbara sa noo’y Kongresista ng Tarlac na si Noynoy. Sa isang interview noon ni Kris sa The Buzz kay Barbara, sinabi nitong nagkahiwalay sila ni Noynoy sa kalagitnaan ng 2001.

Si Barbara ay dating sexy star na bumida sa ilang adult movies tulad ng Masarap Habang Mainit, Eskort, Kaulayaw at Tikim.

Naging konsehal din ito ng Talavera sa Neuva Ecija noong 2004 election.