Hindi pinalampas ng actor-host na si Luis Manzano ang isang bastos na basher.

Kilala ang aktor na madalas mag-responds sa fans sa social media.

Kamakailan lamang, ay hindi nito napigilan ang sarili na sagutin ang isang basher na nag-akusa sa kanya ng pagiging bahagi ng LGBT+ community.

Ang malala rito, idinamay rin ng basher ang ama ni Luis, na si Edu Manzano.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Luis at Edu

“Si Edu manzano, 2 beses ikinasal pero beki pala. Syempre Like father Like son yan,” komento ng basher.

Mabilis itong tinugon ni Luis na itinag ang netizen, at in-upload ang kanyang photo.

“kung galit ka sa mukha mo, wag mo kami idamay (face with tears of joy emoji),” sagot ng aktor.

Dagdag pa niya: “buti pinalabas ka ng aquarium.”