Kinumpirma ni Senador Risa Hontiveros na muli siyang tatakbo sa darating ng Mayo 2022 eleksyon. 

Gayunpaman, tumanggi si Hontiveros na magbigay ng karagdagang detalye tungkol sa kanyang politikal na plano, sinabi niya na hihintayin niya muna ang kanyang political party coalition sa pag-aanunsyo.

Pinigilan din niya ang pagbibigay ng mga detalye para sa kanyang politikal na plano bilang pagrespeto sa dating Pangulong Benigno Aquino III na pumanaw noong Huwebes, Hunyo 24.

Yes, (I’m running for reelection)…we’re just waiting for the ‘family’ to make the announcement,” ayon kay Hontiveros sa isang virtual press briefing noong Huwebes.

National

Castro sa pag-acquit kina Enrile sa plunder: ‘Sino mananagot sa nawalang pondo ng bayan?’

Ayon kay Hontiveros, national chairperson ng Akbayan party list, ang legasiya ni Pangulong Aquino sa bansa ay magiging inspirasyon niya para sa panibagong termino niya sa senado.

“You know, while we are living, let’s take inspiration from each other– the best in us, not the worst in us, right?” aniya

“So we can be inspired to do more good. Because who else can we be inspired except with each other?” dagdag niya

Pinuri ni Hontiveros si Aquino sa pagiging kampeon ng malinis at matapat na pamamahala, aniya ito ang susi para sa pagpapanatili ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Sinabi niya na ang pambihirang legasiya ni Aquino ay ang pamumuno sa bansa sa pagtutol sa paulit-ulit na pag-atake ng China sa The Hague noong 2016 na kung saan nakuha ng Pilipinas ang tagumpay laban sa Beijing.

Hannah Torregoza