Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Hunyo 24 hanggang Hulyo 3 bilang Period of National Mourning kaugnay nang pagkamatay ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Sa inilabas na pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque nitong Huwebes ng gabi, binanggit nito na ang nasabing hakbang ay nakapaloob sa Proclamation No. 1169 na pinirmahan ni Duterte.

“President Rodrigo Roa Duterte signed today Proclamation No. 1169, declaring June 24, 2021 to July 3, 2021 as a Period of National Mourning over the passing of former President Benigno Simeon C. Aquino III,” ayon kay Roque.

Sa ilalim Period of National Mourning, iha-half-mast ang lahat ng bandila ng Pilipinas na nakatirik sa mga government building at installations sa buong Pilipinasat sa ibang bansa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.

National

Atty. Kaufman, nagsalita sa umano'y 'request' hinggil sa ID requirements ng EJK victims

Hinikayat din ng Pangulo ang publiko na gumawa ng mga hakbang bilang pagkilala kay Aquino sa naging kontribusyon nito sa bansa.

“Let us continue to pray and pay respects to the former President who gave his best to serve our nation and our people,” aniya.

Binanggit din ng Pangulo na nalulungkot ito sa pagpanaw nang pinalitan nito sa puwesto.

“It is with profound sadness that I learned of the passing of the former president Benigno S Aquino III this morning,” aniya.

Pinasalamatan din nito si Aquino sa pagsisilbi nito sa bansa at umaasa siya na ang legasiya nito ay magbibigay ng inspirasyon sa mga Pinoy.

Nanawagan pa si Duterte sa publiko na isantabi muna ang mga iringan kasabay nang pag-aalay ng panalangin para pagpapahinga ng kaluluwa ng dating Pangulo ng bansa.

“Let us all take this opportunity to unite in prayer and set aside our differences as we pay respects to a leader who has given his best to serve the Filipino people,” he said.

Matatandaang namatay si Aquino sa Capitol MedicalCenter sanhi ng renal disease secondary to diabetes, nitong Huwebes.

PNA