So far, wala pang namba-bash kayLuis Manzanosa tanong niLeo Bukassa kanyang reaction sa mga talents ng ABS-CBN na lumipat sa TV 5 o sa GMA Network.

Ayon kay Luis, hindi niya ida-judge ang Kapamilya artist pati staff member na lumipat ng network. Ipinaliwanag nito na gusto lang ng mga lumipat na hindi magutom ang kanilang pamilya.

“Ako ang unang-unang magsasabi na ‘a man has to do what a man has to do’. I will never judge any artist, any staff, kahit sino na lumilipat ng istasyon because siyempre kung nasaan ang trabaho doon ka dapat, lalung-lalo na kung may pamilya ka.”

“Why would I judge someone na ang habol lang naman niya is to provide whether for himself or for his family. I will never judge any of the artist na lumipat-never,” patuloy ni Luis.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Sa kanyang kaso, mananatiling Kapamilya si Luis, he is still with the network at busy pa raw siya sa kanyang mga show at walang kaplanu-planong lumipat.

Nitz Miralles