Thankful ang Queen of All Media na si Kris Aquino dahil naayos ang ‘di pagkakaunawaan nila ng kanyang kapatid, na si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bago ito pumanaw nitong Huwebes, Hunyo 24.

Ito ang ibinahagi ni Kris sa isang panayam sa media matapos ang unang Novena night para sa kanyang kapatid sa Heritage Park sa Taguig City nitong Hunyo 24.

“The rest of the plans ay yun pa lang ang napag uusapan namin. Pasensiya na hindi talaga namin ito inakalang mangyayari. Nagulat talaga kaming lahat,” saad ni Kris.

“I wish I could say more,” patuloy pa ni Kris. “The only thing I can say, and this is the only thing I will say: God blessed me because we made our peace.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon kay Kris nagkabati sila ng kapatid in private.

“And I would like to keep that for myself. But I am so grateful na binigay iyon sa akin at nagpapasalamat ako na napatawad ako at minahal ako. Until the end, ang tinuring niya sa akin ay ako yung kanyang bunso,” dagdag pa niya.

Ibinahagi naman ni Kris na nangako siya kay Noynoy na gagawin niya ang lahat upang maging mabuting Pilipino.

Si Kris at Noynoy ay anak nina late former President Corazon Aquino at late senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr.