Nakausap ngPika-PikasiXian Limvia Viber at may pahayag si Xian sa balitang nakipag-usap at nakipagsara ang Viva at Viva Artists Agency sa GMA-7 para sa isang project na pagtatambalan daw nila niJennylyn Mercado.

Kamakailan lang nalaman ni Xian ang tungkol dito at masaya ito dahil sabi nga nito, “just to be considered... ma-bring up ang name mo ng isang network, it really means a lot to me,” panimula ni Xian.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kapag natuloy ang pagtatambal nina Jennylyn at Xian, first time na makakatrabaho ng aktor ang Kapuso actress. Hindi pa rin na-meet ni Xian si Jennylyn, kaya excited ito.

Ang teleserye naLove. Die. Repeatdaw ang pagtatambalan nina Jennylyn at Xian sa GMA-7, first time nilang magkakatrabaho. Nabanggit ni Xian na noong baguhan pa lang siya, naggi-guest siya sa Maynila pero blocktimer ang producer nito, hindi station produced.

“I know she’s a talented and good actress. ‘Yung para mawala ‘yung mga hiya-hiya at kaba, nawo-work out naman ‘yun sa workshops and once you start working. Ultimately, importante ‘yung story and us serving the story. Kami naman as artists, we just always want a new canvas to paint on. Parang gano’n.”

Wala pang pahayag si Jennylyn sa pinag-uusapan ng tambalan nila ni Xian, wala pa ring opisyal na announcement ang Viva, Viva Artists Agency at GMA Network.

Nitz Miralles