Nabiktima ang aktor na si Christian Bables ng isang viral meme ng fast-food meal version ni Sarah Geronimo.
Ang “pop star meal” ay inspired sa fast-food chain na kinuhang latest endorser ang South Korean boyband BTS.
Ang pangalan ng pagkain ay hango sa viral songs ni Sarah Geronimo tulad ng
“Tala” nuggets (star-shaped), “Ikot-Ikot” twister fries, gayundin ang Coke “Sarah,” na tila gaya sa moniker ng pop star sa “The Voice” na Coach Sarah.

“Free delivery kahit abutin pa ng Kilometrong layo,” mababasa pa sa meme.
Ibinahagi ni Christian ang nakakatuwang pangyayari sa Facebook, na nag-hi pa sa crew na napagtanungan niya ng nasabing meal sa drive-thru.
“Happy to have made your night,” say ng aktor sa kanyang nakakatuwang karanasan.