Nagdalamhati si Malabon Mayor Lenlen Oreta nitong Huwebes sa pagpanaw ng kanyang pinsan at dating Pangulong Benigno S. Aquino III at sinabi niyang ang pagpanaw ng kanyang pinsan “is truly a heartbreaking loss” para sa kanya.

(Mayor Lenlen Oreta / MANILA BULLETIN)

“I look up to him as a big brother who I can approach for any advice and counsel. He is not only my karate instructor but my idol when it comes to shooting,” ayon kay Oreta sa isang Facebook post.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Sinabi ni Oreta, miyembro rin ng Liberal Party ni Aquino, na hindi niya makakalimutan ang karunungan ng dating pangulo at maging ang mga light moment na kasama niya ito.

“Gaya noong siya'y naging Best Man sa aking kasal, at lalo na ang kanyang words of encouragement tuwing may mga challenges tayo na hinaharap.” ayon sa Mayor sa kanyang post na may litrato na kasama si Aquino.

“Farewell cousin Noy! Your legacy will forever be in our hearts. You will always be the best Best Man,” dagdag niya.

Joseph Pedrajas