Matatapos na ang June pero wala pang exact date kung kailan ikakasal si Ara Mina sa kanyang fiance na si Dave Almarinez.

Last April 28 ang unang napabalitang altar date ng celebrity couple. Ngunit naudlot ito dahil diumano sa pagtaas ng Covid-19 cases na naging dahilan para isailalim sa stricter community quarantine ang National Capital Region. Hanggang ngayon, tikom pa rin ang bibig ng dalawa hinggil sa wedding date nila.

Pelikula

'Isang Himala,' nilusaw sa 9 na sinehan

Mukhang gugulatin na naman nila ang kanilang fans hinggil sa kanilang wedding. Matatandaan na ganito rin ang ginawa nila nang sinurpresa nila sa public ang kanilang engagement proposal last January 12.

"I can't wait for the day I will call you my wife," isa ito sa message ni Dave na pinost niya sa kanyang Instagram para sa kanyang future wife.

From rags to riches ang buhay ni Dave. Dahil sa kanyang determinasyon, napagtagumpayan niya ang hamon ng buhay. Ang dating OFW sa Singapore ay isa nang multi-millionare businessman.

Sa ngayon, siya ang president at CEO ng Philippine International Trading Corporation, isang state trading company.

So shall we say now...."mabuhay ang mga bagong kasal!" Yun na.

Mercy Lejarde