Hinikayat ng aktres na si Anne Curtis ang kapwa niya mga residente ng Makati City na magpabakuna na laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inilabas ng aktres ang panawagan matapos na magpaturok sa Palanan Elementary School nitong Martes, Hunyo 22.
“I would just like to encourage you na magparehistro na po para magpabakuna.This is for yourself, your family, and all your loved ones during this time to make sure you stay safe and you stay healthy. So sana po ay magparehistro na at magpabakuna,” dagdag ni Curtis.
Matatandaanginihayag ng Makati City govenment na hindi sila tumatanggap ng walk-ins sa vaccination sites kaya kinakakailangan nang magparehisto ng mga residente.
Ayon sa city government, iniiwasan lamang nilang malabag ang safety protocols sa vaccination sites.
Jel Santos