Walang pangalang binanggit si Janno Gibbs na umatras gawin ang “69+1,” ni direk Darryl Yap para sa Viva. Siya ang ka-threesome nina Maui Taylor at Rose Van Ginkel.

Hindi problema kay Janno kung second or third choice. Hangad niyang makatrabaho si direk Darryl na nagbibigay ng sunod-sunod na blockbuster hits.

Isa sa inaabangan ay ang comeback movie ni Sharon Cuneta na “Revirginized.” Sa title pa lamang ay pinag-usapan sa social media.

Puro comedy movies ang ginagawa ni Janno, kaya nga ang “69+1” ang una niyang adult film at very daring. Nang tanungin ang aktor kung bold ang pelikula. Ang maikling tugon niya ay 'naughty' lang po.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang huling napanood si Janno sa pelikulang “Takusa.”

Samantala, pawang mga babae ang mga anak ni Janno. Aniya, bukas naman ang isipan ng mga ito sa uri ng trabaho ng ama. At kung si Janno ang tatanungin, trabaho lang ito at walang personalan.

Janno