TARLAC CITY - Isang pinaghihinalaang drug pusher ang napatay matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Bantog Road, Barangay Cut-Cut 2nd ng nasabing lungsod, kamakailan.

Sa ulat ni Police Chief Master Sergeant Eduardo Hipolito, may hawak ng kaso, nakilala ang napatay si Ryan Conrad Dare, taga-Sitio Landing, Brgy. San Rafael, Tarlac City.

Bago naganap ang insidente ay nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Tarlac City Police laban sa suspek.

Matapos ang transaksyon, nakahalata umano ang suspek at binaril ang police poseur buyer kaya nakipagbarilan sa kanya ang arresting team na ikinamatay nito.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang baril, mga basyo ng bala at umano'y hindi pa mabatid na halaga ng iligal na droga.

Leandro Alborote

ReplyForward