May pa-poll ang netizens kung sino sa magkarelasyong Bea Alonzo at Dominic Roque, at Gerald Anderson at Julia Barretto ang mas pabebe. Ang basehan ng netizens ay naglalabasang photos ng two couples sa social media. Lalo na itong mga huling larawan ng dalawang parehana lumabas sa social media.

May mga nag-react sa pictures nina Gerald at Julia habang binabakunahan si Julia dahil mahigpit ang hawak sa kamay ni Gerald. Pabebe raw si Julia na parang noon lang nabakunahan eh, sigurado namang nabakunahan na siya noong bata pa siya, kaya alam niya ang pakiramdam nang binabakunahan.

Julia at Gerald

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Sa kaso naman nina Bea at Dominic, natawag ding pabebe ang dalawa dahil sa ginagawa ni Dominic na pagpo-post ng pictures tuwing nagde-date sila na hindi ipinapakita ang kanilang mga mukha ni Bea.

Kung hindi magka-holding hands na mga kamay, suot na sapatos, food na kanilang in-order ang pino-post. Putul-putol na litrato nila ang madalas nitong i-post at bahala na ang netizens na pagtagpi-tagpiin ang mga larawan.

Reklamo ng netizens, tinatalo raw ng two couples, lalo na nina Bea at Gerald ang mas bata sa kanilang magkakarelasyon na hindi pabebe.

Ang upside lang nito, kung may mga naiinis o naiinggit sa pagiging pabebe nina Gerald at Julia at Bea at Dominic, mas marami pa rin ang kinikilig. Inaabangan pa rin ang mga pino-post na photos ng two couples at nagku-comment kung gaano sila kinikilig.

Nitz Miralles