Nakakatuwa namang makita ang first-time dad na si John Lloyd Cruz habang baba sa kanyang balikat ang anak na si Elias, sa isang photo sa ibinahagi ng aktor ngayong Father’s Day.

Ibinahagi ni John Lloyd ang black-and-white picture sa Instagram nitong Hunyo 20.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Maaalalang ibinahagi ng aktor na ang pagmamahal ng kanyang anak ang nakatulong sa kanya upang mabuhay.

Sa naturang panayam, naikuwento rin ni Lloydie kung paano niya nae-enjoy ang fatherhood.

Sa katunayan, inamin ni John Lloyd ang kagustuhan nilang dalawa ni Ellen na maging magulang.

“We wanted it. We know it was going to happen,” pagbabahagi ng aktor.

Samantala, inilarawan ni Lloydie ang kanyang three-year-old son na “very stubborn like me and like the mother.”