CAGAYAN - Sa halip na magdiwang sa Araw ng mga Ama, nagluluksa ngayon ang isang pamilya nang matagpuang patay ang isang padre de pamilya sa Barangay Mungo, Tuao, Cagayan, nitong Linggo ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ng Tuao Police, natagpuan si Trinidad Serrano, 80, sa kanyang kama at may tama ng bala sa leeg

Sa pahayag ng pamilya ni Serrano sa pulisya, sinabi umano sa kanila ni Serrano na pagod na itong mabuhay dahil sa kanyang karamdaman. nitong Sabado ng gabi.

Tinanggal din umano ni Serrano ang kanyang oxygen.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon naman kay Marwin, napansin nito na gising na ang kanyang ama dahil bukas na ang bintana at pintuan ng kanilang bahay, katulad ng araw-araw niyang ginagawa, dakong 5:00 ng madaling araw.

Matapos ang ilang minuto, nakarinig umano siya ng putok ng baril mula sa kuwarto ng ama kaya nagmamadaling puntahan ito hanggang sa matagpuang binawian na ito ng buhay.

Narekober ng mga awtoridad ang isang basyo ng bala ng Cal. 45 pistol sa kuwartonito.

Kumbinsido naman ang pamilya ni Trinidad na nagpakamatay ang kanilang ama.

Gayunman, patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang kaso.