Bukod sa pagpapabakuna, may paalala sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin ng ‘The Gold Squad’ para sa kanilang fans.

Hiling nila na huwag sayangin ang karapatang bumoto para sa 2022 Presidential election.

Dagdag pa nila, maging masuri sa pagpili lalo na ang mga kabataan. Wika nga ni Dr. Jose Rizal, “Nasa kamay ng kabataan ang kinabukasan ng bansa.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

The Gold Squad

Samantala, mainit na sinusubaybayan ang teleseryeng "Huwag Kang Mangamba" na tampok ang Gold Squad. Maraming rebelasyong mangyayari sa mga pangunahing karakter na ikagugulat ng televiewers. Sa aspekto ng pagganap ay kinakitaan ng malaking improvement ang Gold Squad talents.

Hinuhubog nang maigi ng pamunuan ang hidden talents ng apat. Sino kaya sa kanila ang lulutang nang husto at magiging pambato for stardom?