Pansamantalang mananatili ang pagsusuot ng publiko ng mga face shields sa mga establisimiyento at pampublikong lugar hanggat wala pang malinaw na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay nananatiling nasa "status quo" ang pagsusuot ng face shields.

Nakatakdang ianunsiyo ni Duterte sa kanyang state address kung aalisin na ang pagsusuot ng face shields sa Lunes.

Nauna rito, sinabi ng pangulo na ipatupad na lamang sa mga ospital ang pagsusuot ng face shields.

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

Gayunman, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na iaapela nila ang desisyon ng pangulo dahil konti pa lamang ang bilang ng mga taong nabakunahan sa bansa.

Habang sinabi naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na maaari nang tanggalin ang face shields sa labas ng tahanan at isuot na lamang sa mga airconditioned at kulob na establisimiyent, katulad ng malls.

Mary Ann Santiago