Magkasamang ang aktor na si Gerald Anderson at kanyang girlfriend na si Julia Barretto na tumanggap ng unang dose ng bakuna laban sa Covid-19.

Huli ito sa isang video na nag-viral.

Tsika at Intriga

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI

Sa kuha, makikita ang 32-anyos na hunk actor na mahigpit na ka-holding hands ang 24-anyos na aktres habang binabakunahan.

Biniro pa ni Gerald na ramdam na ramdam nito ang kaba ng gf.

Habang, proud naman ang aktres sa ginawa ng kanyang boyfriend.

“That’s my love!” say ni Julia.

Kamakailan lamang ay sinurpresa ni Gerald si Julia ng isang boodle feast sa isang yacht kasama ang mga kaibigan.