May message si Sharon Cuneta sa mga basher na mula nang kanyang i-post ang eksena nila ni Marco Gumabao sa pelikulang “Revirginized” kung saan kita ang parte ng kanyang boobs habang umiinom ng Tequila at dumidila ng asin sa tiyan ng aktor, ay hindi na siya tinantanan ng mga negative comments.

Mula sa IG account

May nag-comment na kung kailan pa siya tumanda, saka pa siya gumagawa ng shocking na eksena. May nagtanong pa kung alam daw ba ni Sen. Kiko Pangilinan ang kanyang ginawa at ano ang reaction nito.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

May nag-comment pa na tinalo niya ang anak na si KC Concepcion sa ginawa niya sa Viva Films movie. Inalam din kung ano ang magiging reaction ng mga anak na sina Frankie, Miel, at Miguel kapag npanood ang eksena at nababasa ang nega comments.

Mula sa IG account

Heto ang reaction ni Sharon: “In the end, no matter how our movie does or what people say, I will still ALWAYS LOVE CARMELA, my character in “Revirgined.” Thank you for her, Direk Daryll. Thank you Marco my Pawi- though short, really sweet- for helping me to relive my 20s in our scenes. Thank you, dearest CARMELA- my alter-ego/Sasha Fierce”- for taking me on an adventure unlike any I could have imagined I would be going on in my 50s! I’m a gaddam good ACTOR and darn PROUD OF IT! Hahahaha! At sa mga bashersm pag 55 na kayo at malapit lapit ang itchura nyo sa akin ngayon, chaka lang kayo magkaka-K mandiri! Yuck kayo! Hahahaha!”

Nitz Miralles