Sa nabasang comments at numbers nang nag-like sa post ni Mavy Legaspi ng larawan ni Kyline Alcantara na dinutdot (ni Mavy) ang dimple ng aktres, mukhang marami ang pabor kung totoong sina Mavy at Kyline ang newest showbiz couple.

Dimple lang ni Kyline sa right cheek at daliri lang ni Mavy ang makikita sa picture at matipid ang caption na “her. her smile. her dimples. yup, that’s the post” pero sapat na ‘yun para kiligin ang kapwa Kapuso stars ng dalawa pati ang netizens.

Mula sa IG account

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nakaaaliw basahin ang comments sa post na ito ni Mavy na majority ay masaya para sa lovebirds. Humanga sila kay Mavy dahil malakas daw ang loob na ipaalam na gusto niya si Kyline. Wala pang reaction si Kyline tungkol dito.

Mula sa IG account

Ang medyo nalungkot sa balitang sina Mavy at Kyline na ay ang fans nina Kyline at Miguel Tanfelix at shippers nina Kyline at Darren Espanto. Nakakatuwa nga dahil si Darren, nali-link naman kay Cassy Legaspi na kakambal ni Mavy.

Nitz Miralles