CAGAYAN - Inatake ng fall armyworm (FAW) ang mga palayan at maisan sa apat na probinsiya sa Rehiyon 2, kamakailan, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi niSenior Science Research Specialist Mindaflor Aquino ng DA-Region 2, bukod sa Cagayan, apektado rin ng peste angIsabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Nasa 11 naman na munisipalidad ang apektado ngFAW na kinabibilangan ng Sta. Ana, Gonzaga at Enrile sa Cagayan, San Mateo, San Pablo at Roxas sa Isabela, Bagabag, Solano at Bayombong sa Nueva Vizcaya at Cabarroguis at Maddela sa Quirino.

Sa report ng DA, kabuuang 93.43 na ektarya ang naapektuhan ng pagsalakay ng FAW sa nasabing mga lugar.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Binanggit pa ng DA, gumagawa na sila ng hakbangupang mapigilan ang tuluyang paglaganap ng peste sa apat na probinsya.

Liezle Basa Iñigo