Hiniling ni Senador Panfilo Lacson sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na luwagan ang pagpapatupad ng health protocols sa mga dumarating na balikbayan at overseas Filipino workers (OFWs).
Ito ay sa harap ng katotohanang kailangang gumastos nang malaki ang mga balikbayan sa pagsasailalim sa mga proseso, kasama ang pananatili ng ilang araw na "quarantine" sa mga hotel.
"Find the middle ground. We cannot be too stiff, too stringent. May occasion dapat na flexible tayo," banggit ni Lacson sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.Leonel Abasola