Para siguro matigil na ang tanong sa paglipat ni Jasmine Curtis-Smith ng management company from Vidanes Celebrity Marketing ni Betchay Vidanes sa Crown Artist Management na kabilang sa may-ari ay sina Maja Salvador at Rambo Nuῆez at ang mom ni Rambo, naglabas ng official statement ang Vidanes Celebrity Marketing.

“Jasmine and I have parted ways, effective June 14, 2021. She will now be managed by Crown Artist Management.

This was a very very peaceful and mutual separation. It was simply just the end of an era for both of us. Thank you.”

Nalaman ang pagpapalit ni Jasmine ng manager nang i-post ng Crown Artist Management ang silhouette photo ni Jasmine at mga larawan ng parts ng mukha ng aktres na may hashtag na #JASanotherQueen. Agad nahulaan ng netizens kung sino ang magiging bagong talent ng Crown Artist Management at tama ang hula ng lahat, talent na nga nina Maja at Rambo si Jasmine.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

And speaking of Jasmine, sa July na ang world premiere ng “The World Between Us” kung saan si Jasmine ang leading lady ni Alden Richards, kaya naglalabas na ang GMA-7 ng short teaser ng series.

Unang inilabas na teaser, ang almost kiss scene nina Jasmine at Alden bilang sina Lia at Louie, respectively. Ang latest na short teaser, ipinakita ang mga batang Lia at Louie hanggang lumaki na sila.

Abangan ang pagbabalik tambalan nina Jasmine at Alden.

Nitz Miralles