Matapos gawin ang acoustic cover ng "Titig" may bagong handog si Janine Teñoso kasama si MC Einstein.

Ito ang "Kapit" na kinatha para sa Coke Studio. May elemento ng R&B hip-hop at lyrics ng pagmamahal.

Janine

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Napagtripan naman ng Singaporean-based Italian-born artist na si Mathilde ang mga pantasya ng isang teener sa kanyang “Milk N' Honey.” Sa Italy isinilang ang singer at kasalukuyang nakabase sa Singapore.

Mga bago at re-imagined tracks ang tampok sa "Gemini" (album) ng Project Moonman ng O/C Records. Ginamitan ng pop synch ang mga choice cuts tulad ng Streetlights/Night Shift, "Cycle", "Finding A Way (album cut)", "Feel Your Love" at iba pa.

Samantala, installment naman ang release ng ep ng Bandang Lapis. Ang alternative rock na “Sana'y Di Nalang” ay sumasariwa sa bigong pag-ibig.

Bandang Lapis

Kulturang Pinoy naman ang itinataguyod ng Pinoy Ppop boyband Alamat sa kanilang single na "Sandigan."

Alamat