Gusto nang malaman ng netizens kung ano ang napag-usapan nina John Lloyd Cruz at GMA Films President and Programming Consultant to the Chairman and CEO Annette Gozon-Valdes noong isang gabi.

Pinost ni Ms. Annette ang larawan nila ni John Lloyd at may caption na “At last! Exciting times ahead!”

Kasama ni John Lloyd sa nasabing meeting si Director Bobot Mortiz na in-aanounce ni Willie Revillame na magdidirehe ng sitcom na gagawin ni John Lloyd sa GMA-7, kaya ang feeling ng netizens, may kinalaman sa sitcom ang meeting. Kasado na ito at co-producer ang WBR Productions ni Willie kung saan, sinasabing makakapareha niya si Andrea Torres.

Dahil president ng GMA Films si Ms. Annette, may posibilidad din na napag-usapan nila ni John Lloyd ang tungkol sa pelikula. Sayang nga naman kung sitcom lang ang gagawin ni John Lloyd habang nasa GMA Network kung puwede naman siyang gumawa ng pelikula.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nagre-request nga ang fans na pagsamahin sa teleserye at pelikula sina John Lloyd at Alden Richards. May gusto ring mapanood ang tandem nina John Lloyd at Dennis Trillo na may gagawin sanang pelikula, hindi lang natuloy dahil sa pandemic dala ng Covid-19.

Nitz Miralles