Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala na sila ng pagbaba ng COVID-19 deaths sa bansa nitong Hunyo.

Sa isang online forum, sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Alethea de Guzman na mula Hunyo 1 hanggang 14 ay nakapagtala sila ng kabuuang 720 deaths, na may daily death average ng 51 kaso.

Ito ay mas mababa aniya kumpara sa kabuuang 3,000 kaso na naitala noong Mayo 2021 na may average na 97 deaths araw-araw.

Ayon kay de Guzman, umaasa silang mas mapapababa pa ang naturang bilang sa mga susunod na araw.

Sementeryo sa Albay, pinagbubutas; masangsang na amoy, umaalingasaw

“We have reported 720 deaths and we are halfway through the month, this is much less than the 3,000 that was reported in May but we want to push it down even more,” ayon pa kay de Guzman.

Nabatid na ang peak ng monthly death toll ay naitala naman noong Abril, matapos na makapagtala ng 3,563 deaths o 119 deaths kada araw.

Mary Ann Santiago