NUEVA ECIJA – Binawian ng buhay ang isang binata matapos makipagsuntukan sa kapitbahay nito sa Barangay Sta. Lucia Old, Zaragoza ng nasabing lalawigan, kamakailan.
Ang biktima na kinilala ni Zaragoza Police chief, Maj. Jaime Ferrer na si Joseph Gabriel, 34, taga-nasabing lugar, ay dead on arrival sa ELJ Hospital sa lungsod ng Cabanatuan City, dahil sa matinding bugbog sa katawan.
Kaagad namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Jayson Villanueva,26, binata, ka-barangay ng biktima.
Bago naganap ang insidente, nagtungo umano ang biktima sa bahay ni Villanueva, kasama ang dalawang kaibigan, at naghahamon ng suntukan, nitong Sabado ng gabi.
Kaagad namang lumabas ng bahay si Villanueva at nakipagsuntukan na naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.
Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso, ayon pa sa pulisya.
Light Nolasco