Nagsimula nang magdatingan ang mga koponang kalahok sa idaraos na 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga.

Unang dumating ang koponan ng China nitong Linggo dakong 1:20 ng hapon, lulan ng isang chartered na eroplano ng China Southern Airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matapos ang ilang oras, koponan naman ng South Korea na sakay ng chartered Jeju Airlines plane ang lumapag sa Clark International Airport.

Ang ikatlong koponan mula Japan ay inaasahan namang dumating sa Linggo ng gabi sa Terminal 1 ng NAIA.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Nauna nang dumating noong Sabado ng gabi ang pitong miyembro ng koponan ng Indonesia.

Inaasahan namang darating ang iba pang miyembro ng kanilang koponan sa Terminal.

Inaasahan namang dumating sa bansa ang Chinese-Taipei team habang sa Hunyo 16 pa ang pagdating ng koponan ng Thailand.

Magsisimula ang mga laro sa Miyerkules, dakong 04:30 ng hapon kung saan tampok ang Group B match sa pagitan ng China at Japan kasunod ang tapatan ng Gilas at South Korea, dakong 6:00 ng gabi.

Sa Biyernes na ang susunod na laban ng Gilas, dakong 6:00 ng gabi kontra Indonesia at sa final day (Linggo) sa ikalawang laro ng triple header ganap na 3:00 ng hapon kontra ulit sa Korea.

Marivic Awitan