Dalawang pinaghihinalaang drug pusher ang inaresto ng pulisya matapos masamsaman ng P100,000 halaga ng shabu sa isang buy bust operation sa Valenzuela City, nitong Sabado ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Ricardo Carriedo, 45, may asawa, taga-No. 292 Canumay West at Eduard Plano, 37, at taga-72 Rubber Master, Brgy. Lingunanng nabanggit na lungsod.
Sa report, hindi na nakapalag ng dalawa nang hulihin ng mga pulis na binentahan nila ng pinaghihinalaang iligal na droga.
Sina Carriedo at Plano ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Orly Barcala