Bali-balita nitong mga nagdaang araw ang umano’y “romance” sa pagitan nina Maymay Entrata at Donny Pangilinan.

Maymay

Finally, sa isang panayam sa ABS-CBN’s “HotSpot,” nagsalita na ang 24-anyos na actress-model hinggil sa isyu.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ayon kay Maymay, “Isa ito sa assumptions ng sa gayun ay ma-clear talaga. Hindi ako in a relationship kay Donny…”

Donny

Mabilis pang dagdag ng aktres, “Or kay Edward man.”

Siyempre, ang tinutukoy niyang Edward ay si Edward Barber, ang dating niyang love team partner.

Edward

Nang matanong kung bakit siya nail-link kay Donny, sinabi ni Maymay na, “Siguro nagsimula ‘yan kay Donny dahil kasama ko siya lagi sa ‘iWant ASAP.’ At doon yata may mga clip na parang nami-misunderstood nila ‘yung mga galawan namin, ‘yung smile namin, na akala nila nagtitinginan. Hindi ko alam talaga. Jusko day! Pero, hindi po kami ni Donny. Wala po kahit sino sa showbiz, wala.”