Sa isang pambihirang pagkakataon, nagkuwento ang aktres na si Claudine Barretto ng kanyang love-hate relationship sa mga kapatid na sina Marjorie at Gretchen.

Sa isang panayam sa “TicTALK with Aster Amoyo,” inilarawan ng aktres ang relasyon sa kanyang Ate Gretchen na “sweetest.”

Gretchen

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“She’s very loving, thoughtful, sweet, kind,” pagpuri ni Claudine sa nakatatandang kapatid na si Gretchen.

Bago ito, hindi ganito ang relasyon ng dalawa, lalo’t dating mas malapit si Gretchen kay Marjorie noon. Pero matapos maayos ang kanilang three-year gap, mas naging malapit na sila sa isa’t isa, kuwento ni Claudine.

Inalala rin ni Claudine kung paano ini-spoil ni Gretchen ang kanyang mga anak sa mga nais ng mga ito.

Kay Marjorie naman, sinabi ni Claudine na 2019 pa huli nilang nakita ang isa’t isa sa burol ng kanilang ama.

Nang ilarawan si Marjorie sinabi ni Claudine na: “Before she’s caring.”

Marjorie

Natanong din ang aktres sa kanyang pananaw sa mga pamangkin nit okay Marjorie.

Sinabi ni Claudine na mahal niya ang mga ito, at it makes her “sad” na naiipit ang mga bata sa kanilang away.

“They should not have been included,” say pa ni Claudine.