CEBU CITY – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 16-anyos na babae na nagtamo ng mga kagat at kalmot sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos atakihin ng isang Rottweiler sa Oslob, Cebu kamakailan.

Kumakalat ngayon sa social media ang video ng nakapanlulumong insidente kung saan makikita ang biktimang si Jeny Rose Gomilao na inatake ng malaking breed ng aso.

Ayon sa kay John Michael, kapatid ng biktima, nangyari ang insidente habang nangunguha ng shellfish ang kanyang kapatid sa Barangay Looc.

Nakawala umano ang aso, na pagmamay-ari ng kanilang kapitbahay, at tumakbo sa dalampasigan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa video, makikita ang babae na tumatakbo sa ga-tuhod na tubig-dagat nang habulin ito ng aso. Ilang residente at turista sa kalapit na resort ang nakasaksi sa nangyari at nagsabi sa babae na tumakbo.

Habang sinusubukang makatakas ng biktima sa pag-atake ng aso, isang lalaki ang makikita sa tumulong sa babae. Gayunman, muling bumalik ang aso at muling inatake ang biktima.

Dinala sa ospital ang biktima na nagtamo ng kamot at kagat ng aso sa leeg, brasom tuhod, likod at kamay.

Naganap ang insidente dalawang buwan matapos makagat ang biktima ng isang aso na pag-aari ng isa pa nilang kapitbahay.

“She was not given anti-rabies shots because she received one after she was bitten by a dog two months ago,” pagbabahagi ng kapatid ng biktima.

Para sa pagpapagamot ng biktima, nagbigay, aniya ang may-ari ng aso ng P3,000 pero hindi umano ito sapat, ayon sa kapatid.

“We want justice. We want an assurance that they will shoulder the expenses for the treatment of my sister,” giit ni John Michael.

Calvin Cordova